Nagustuhan mo bang gamitin ang TikTok? Narito ang Paraan Upang Maging Viral sa 2021
Gabay

Nagustuhan mo bang gamitin ang TikTok? Narito ang Paraan Upang Maging Viral sa 2021

Nailathala22 Apr 2021
Isinulat niJosh
Tiyak, nagbabago ang TikTok, at ibang-iba na ito kaysa noong nakaraang 12 buwan. Ano man ang iyong nadarama tungkol sa bago nitong algorithm ng 'For You Page' (FYP), kailangan mo pa ring makaalinsabay sa mga pagbabagong ito upang magkaroon ka ng tsansa na maging viral.
Ang TikTok ay mabilis na lumalaki, at gayun din ang bilang ng mga creator na gumagamit ng platform. Ang resulta ng pagdami ng gumagamit ng TikTok ay nangangahulugan na mas mahirap nang abutin ang FYP. Maaaring mainis o matuwa ang mga creator sa FYP, kadalasan ay depende kung kabilang sila o hindi. Gayunpaman, anuman ang nadarama mo tungkol sa algorithm ng FYP, kailangan mong manatiling nakasubaybay sa mga pagbabago nito upang magkaroon ng pagkakataon na magtagumpay sa app.
Ang pagkahati ng mga opinyon tungkol sa algorithm ng FYP ay nagresulta sa maraming kumakalat na haka-haka tungkol sa TikTok. Narito ang ilan sa mga lumaganap nang husto:
Ang bilang ng iyong tagasubaybay ay nakakaimpluwensiya sa bilang ng mga taong makakakita ng iyong content. Ang paniniwalang ito ay hindi totoo.
Kung hindi ka naging viral sa kahit isa man lang sa limang nauna mong ipinost, kailangan mong burahin ang iyong account at gumawa ng panibago. Muli, ito ay purong kasinungalingan.
Ang pagpo-post kapag ang karamihan ng iyong mga tagasubaybay ay aktibo ay makakatulong upang maabot mo ang FYP. Ang paggawa nito ay walang kabuluhan dahil hindi ito totoo.
Ang Katotohanan Tungkol sa Algorithm ng TikTok
Nabasa mo ang ilang haka-haka tungkol sa TikTok, kaya ano ang gagawin mo para maging viral sa 2021? Maraming bagay ang maaaring makaapekto sa bilang ng manonood ng iyong mga video. Maraming mga artikulo at pantulong na mga video kung paano bumuo ng content para sa TikTok. Baka gusto mo din basahin ang ilang artikulo kung bakit ang espesipikong mga video ay naging viral upang mas higit mo itong maunawaan.
Porsyento ng Oras ng Panonood. Ilan sa iyong mga video ang talagang pinapanood ng mga tao? Kung ito ay 100%, maaaring nakuha mo ang tamang haba ng video. Gayunpaman, kung 10-20% lamang ng iyong video ang pinanonood nila, baka gusto mong igsiian ang iyong content.
Pakikipag-ugnayan sa Tagasubaybay. Isaalang-alang kung gaano kadami ang may gusto ng iyong video, nagbabahagi nito, o nagkokomento tungkol dito. Kung marami ito, ibig sabhin ay tama ang iyong content. Pero kung hindi gaanong interesado ang mga tao dito, ibig sabihin maaring ito ay walang kabuluhan.
"Sumabay sa Uso.** Mahalaga ang timing, kung maaari mong sabayan ang trend ng tamang content mas malaki ang tsansa mo na magtagumpay. Maaaring mayroon ka ngang magandang video, pero kung ipo-post mo ito nang masyadong maaga o sobrang tagal at napalampas mo na ang trend, mababawasan ang pagkakataon mong maging viral.
Susuriin natin ngayon nang mas malalim ang bawat isa sa mga salik na ito.
Porsyento ng Oras-ng-Panonood
Ikaw man ay may habang limang segundo o tumatakbo sa loob ng isang minuto, ang porsyento ng karaniwang oras-ng-panonood ay mahalaga para sa anumang video upang makaabot sa FYP at kasunod nito ang pagiging viral sa TikTok. Sa higit sa 700, 000 na mga tagasubaybay, ang influencer ng TikTok na si Robert Benjamin at ang iba pa ay gumawa ng maraming mga nakapagtuturong video tungkol sa pinakamagandang oras ng pagpo-post sa TikTok. Binibigyang-diin ni Robert na kailangang gumawa ng mas mahahabang video upang mapanatili ang pansin ng mga manonood hanggang sa huli.
Ang nangungunang tip ni Robert para sa tagumpay sa paggamit ng TikTok ay ang paggawa ng mga video na mas mahaba kaysa 15 segundo. Naniniwala siya na mas pinapaboran ng FYP ang mga mas mahahabang video kaysa sa mga mas maiigsi, kahit na ito ay mayroong parehong porsyento ng oras ng panonood.
Maaaring iniisip mo kung bakit ganon? Ito ay dahil sa nais ng TikTok na panatilihin ang presensiya ng mga manonood sa platform. Ang pananatili ng pansin ng mga manonood sa isang video nang mas matagal ay nangangahulugang nananatili sila sa TikTok nang mas matagal sa pangkalahatan. Samakatuwid, kung mayroon kang ilang video na mas maigsi sa 15-segundo, baka nais mong pahabain ang mga ito o palitan ang mga ito ng mas mahahaba. Sa paggawa nito ay magkakaroon ka ng mas malaking pagkakataon na maging viral.
Gayunpaman, may kalakip na babala ang payong ito. Ang pagpapanatiling nakatuon ang mga tao nang kalahating minuto ay mas mahirap gawin kaysa tawagin ang kanilang pansin ng limang segundo. Kung gayon, kung ikaw ay nahihirapang gumawa ng mga nakakaengganyong video na nasa pagitan ng 30-60 segundo, ang tsansa mo na maging viral ay mas mainam na gawin sa pamamagitan ng mga serye ng limang-segundong mga video. Sa katunayan, marami pa ding mga tao ang nagtatagumpay sa TikTok sa ganitong paraan.
Iyon ay dahil sa mas madaling panatilihin ang kasabikan at kasiglahan ng mga manonood sa mas maigsing video. Tandaan na kapag ito ang pinili mong landas, kailangan mong tiyakin ang 100% na oras ng panonood kung nais mong makakita ng kapansin-pansing resulta mula sa iyong FYP sa TikTok.
Subukan ang Pag-i-Stitch
Kung nahihirapan kang panatilihin ang atensyon ng tagasubaybay sa iyong mas mahahabang video, baka gusto mong ikonsidera ang paggamit ng feature na Stitch. Ang pag-i-stitch ng mga video ay isang nakakaaliw at direktang paraan upang akitin ang iyong mga tagasubaybay sa iyong content. Magagawa mong mag-setup ng mga payak na tanong-at-sagot na format para sa iyong mga video. Ang format na ito ay isang mabisang paraan upang maabot mo ang FYP, dahil karamihan sa mga video na ito ay nasa FYP na. Bakit? Dahil karamihan sa mga TikTok na nasa FYP ay nagsimula sa isang tanong at nagpatuloy sa pagbibigay ng sagot.
Sundin ang tatlong simpleng hakbang na ito upang mag-stitch ng mga video:
Pumili ng video na gustong mong sagutan, pagkatapos ay pindutin ang feature na Stitch.
Putulin ang 'video ng katanungan' sa gayon ay ang tanong LAMANG ang ipinapakita nito.
Gumawa ng video na tumutugon sa mga sagot sa tanong na iyan.
Maaari mong gamitin ang pag-i-stitch bilang isang karanasan sa tanong-at-sagot o bilang 'Tugon na Reaksyon.' Pinipili ng maraming creator na sagutin ang tanong tungkol sa isang kontrobersyal na paksa, o maaari silang magbigay ng reaksyon sa isang bagay na nauuso dahil sa kabaliwan nito o dahil karapat-dapat itong bigyan ng reasksyon. Kaya, baka nais mo din isaalang-alang ang ganitong mga pamamaraan.
Mas mainam pa kung ikaw ang gagawa ng video na maaaring "i-stitch". Sa kasong ito, maaari kang gumawa ng sarili mong katanungan gayundin ang sagot dito. Kung mahihikayat mo ang ibang tao na i-stitch ang iyong video, malamang na maging viral ka.
Ang kagandahan ng stitching ay wala kang kailangan gawin kung hindi mag-record ng iyong sagot o reaksyon. Hindi ka na mahihirapan na akitin ang manonood, dahil ito ay nagawa na ng orihinal na creator ng video na gumawa ng mga tanong. Ang ginawa mo lang ay dinoble mo ang haba ng iyong video nang walang kahirap-hirap.
Pakikipag-ugnayan sa Tagasubaybay
Sumunod sa Porsyento ng Oras ng Panonood, ang Pakikipag-ugnayan sa Tagasubaybay ang pangalawang pinakamahalagang sukatan ng FYP. Sinusukat ang Pakikipag-ugnayan sa Tagasubaybay sa kung ilang beses na ibinahagi ang iyong video, o gaano karami ang iyong tagasubaybay. Ang dalawang sukatan na ito ay mas kapaki-pakinabang sa iyo kaysa sa mga like at komento.
Ang pagbabahagi ng isang video o ang pag-follow sa isang creator ay magiging dahilan upang mas marami pang tao ang gumamit ng TikTok at gamitin ito ng mas matagal. Samakatuwid, ang algorithm ng TikTok ay dinisenyo upang magbigay ng mas malawak na exposure sa mga content na may pinakamaraming share at tagasubaybay. Siyempre, bigyang pansin din ang pangangailangan para sa mga like at komento, dahil ang mga ito ay nakatutulong din kahit paano.
Ang isa sa pinakamahusay na tip ni Robert ay ang pasiglahin ang pakikipag-ugnayan sa iyong mga tagasubaybay. Maaaring isipin mo na maganda ang iyong content, ngunit kung hindi mo pasisiglahin ang iyong pakikipag-ugnayan sa iyong mga tagasubaybay, malaki ang mawawala sa iyo.
Ang sikreto ay humiling sa mga tao na mag-iwan ng komento sa paraang gugustuhin nilang magbigay ng komento. Gayundin, subukang bigyan sila ng mas higit na dahilan para sundan ka kaysa maging isa lamang sa mga tagasubaybay mo.
Halimbawa, ano ang palagay mo dito; "Pindutin ang + para sundan ako." Hindi gaanong nakapagbibigay ng inspirasyon, hindi ba? Ngayon, ihambing ito sa tatlong iba pang mga pagpipilian:
"Pindutin ang + kung gusto mo ng gamer na GF."
"Mahilig ka sa aso? Pindutin ang + para patunayan ito."
"Gusto mo bang maglaro ngayon? Pindutin ang +"
Sumabay Sa Uso
Dapat na gawin mong tunguhin na ang lahat ng iyong content, halos lahat, ay batay sa kung ano ang nauuso. Nangangahulugan ito na ang paggamit ng mga nauusong kwento, audio, o nauusong sayaw ay malamang na makakuha ng mas maraming views kaysa sa content na bagong-bago o naiiba.
Maaari mong isipin na hindi ito madaling maunawaan, ngunit ang Tiktok ay batay sa paglikha at pagtataguyod ng mga trend. Nauunawaan ng FYP algorithm na natutuwa ang mga manonood sa mga partikular na mga audio na dati nang naging viral. Samakatuwid, magsusulong ito ng mga content na naglalaman ng bahagi ng mga ganitong audio. Sa diwa, naniniwala ang algorithm na natagpuan nito ang mga tagapanood para sa iyong content.
Muli, ang FYP algorithm ay binuo upang mapanatili ang pansin ng mga manonood sa platform ng TikTok hangga't maaari. Ang anumang content na wala sa trend ay hindi nakatutulong sa pagpapanatili ng mga manonood sa app, kaya ang ganitong content ay hindi binibigyan ng prioridad.
Ang tanging paraan lamang upang maging viral ang iyong content na wala sa trend ay kung magiging 100% ang porsyento ng panonood nito. Gayunpaman, mababa ang tsansa na mangyari ito sa mga content na wala sa trend.
Ang isa pang bentahe sa pagsunod sa trend ay dahil nababawasan nito ang pangangailangan na gumawa ng mga malikhaing content. Maaring mahamon ang iyong pagkamalikhain sa paggawa ng bago at kakaibang content araw-araw, samantalang ang trending content ay madaling gawin at makakatipid ka ng malaking oras.
Subukang sundan ang mga creator sa sakop ng iyong niche. Tingnan kung ano ang kanilang ginagawa, ang kanilang pinakabagong mga video, at kung ano sa mga content nila ang may pinakamagandang resulta. Gayundin, subukang paboran ang anomang audio sa iyong FYP na sa palagay mo ay maaari mong gamitin at masisiyahan ang iyong tagasubaybay.
Napakahalaga na suriin kung ano ang nagti-trend at magpasya kung ito ba ay gagana sa sakop ng iyong niche at gagana para sa iyo bilang isang creator. Ikaw
dapat na maunawaan na hindi lahat ng mga nagti-trend ay gagana para sa bawat account. Napakahalaga na pumili ng isang trend na maaari mong gawin nang malikhain at nang hindi ka nahihirapan. Narito ang ilan sa mga nangungunang kategorya ng 2020:
Nagiging Viral
Maaari kang maging viral sa TikTok nang hindi kailangan ng malaking budget sa produksyon. Nagagawa ng libo-libong creator na maging viral ang kanilang content araw-araw gamit lamang ang kanilang smartphone.
Ang pinakamahalaga ay mayroong nakapupukaw ng interes sa iyong content na hahatak sa mga tao upang panoorin ito, magpatuloy sa panonood, mag-iwan ng komento at ibahagi ito sa ibang manonood. Kung may ganitong pang-akit ang ang iyong content, mas malamang na sundan ka ng mga tao dahil natuwa sila sa iyo, at gugustuhin nilang makakita ng higit pa.
Konklusyon
Kapag nalaman mo na kung paano gamitin ang TikTok, ang sunod na hamon ay ang paggawa ng content na potensyal maging viral. Kapag nadiskubre mo na sa artikulong ito kung paano gumagana ang algorithm at ang kahalagahan ng trending at hook. Ganunpaman, ang tatalo sa lahat ay ang pagkakaroon ng magandang content.
Kung meron kang content na talagang kukuha ng atensyon ng manonood mo kung saan mapapako ang tingin nila. Gumawa ng ganong content, at ilagay ang iyong bagong unawa sa algorithm ng Tiktok, para mag viral ang mga video mo at wala ng makakapigil sayo sa FYP.
Josh from Exolyt
Josh from Exolyt
Ang artikulo na ito ay isinulat ni Josh, na nagtatrabaho sa Exolyt bilang isang Senior Social Media Consultant. Tinutulungan ni Josh ang mga influencer, nagmemerkado, at creator ng mga content upang pahusayin ang kanilang pakikipag-ugnayan at sulitin ang kanilang mga account.
Paano gawin ang TikTok Pag-edit ng Larawan sa iPhone
Nailathala9 Jun 2021
Isinulat niJosh

Paano gawin ang TikTok Pag-edit ng Larawan sa iPhone

Suriin kung ano ang hack sa pag-edit ng larawan sa iPhone na pinag-uusapan ng lahat sa TikTok. Magbasa ng higit pa

Calculator para sa kinikita sa TikTok kada view
Nailathala13 Apr 2021
Isinulat niAngelica

Calculator para sa kinikita sa TikTok kada view

Alamin gamit ang aming tool kung magkano ang maaari mong kitain sa pamamagitan ng mga views sa video sa TikTok. Gamitin ang aming calculator upang kalkulahin ang kinikita ng mga influencer sa TikTok! Magbasa ng higit pa

Paano maging Milenyal sa TikTok?
Nailathala2 Apr 2021
Isinulat niJosh

Paano maging Milenyal sa TikTok?

Hindi madali ang pagiging isang Milenyal. Noong kami ang pinakabatang henerasyon, kami ang laging iniinsulto ng mga Boomer at mga Gen-Xers pareho. Magbasa ng higit pa

YouTube Money Calculator
Nailathala23 Feb 2021
Isinulat niAngelica

YouTube Money Calculator

Sa pamamagitan ng aming YouTube Money Calculator malalaman mo kung magkano ang kinikita ng mga YouTube streamer at influencer. Gumagana ito sa lahat ng YouTube account! Magbasa ng higit pa

Paano mo gagawing pribado o pampubliko ang iyong TikTok account?
Nailathala14 Dec 2020
Isinulat niAngelica

Paano mo gagawing pribado o pampubliko ang iyong TikTok account?

Marami ang naghahanap kung paano gagawing pribado ang kanilang TikTok account, dahil ang pribadong account ay nagbibigay ng karagdagang pribasiya at kontrol sa pamamahagi ng iyong mga video. Magbasa ng higit pa

Bakit mahalaga ang analytics sa paglago sa TikTok?
Nailathala2 Nov 2020
Isinulat niAngelica

Bakit mahalaga ang analytics sa paglago sa TikTok?

Kung nais mong palaguin ang iyong TikTok account, baka magulat ka kung gaano kahalaga ang analitiko. Gumawa kami ng maikling listahan kung paano ka matutulungan ng analitiko na makakuha ng mas maraming tagasunod! Magbasa ng higit pa

Ano ang Alt TikTok?
Nailathala15 Oct 2020
Isinulat niAngelica

Ano ang Alt TikTok?

Naiiba ang Alt TikTok sa diwa na ang mga tao dito ay nakakakita at nakakapagbahagi ng mga content na hindi kadalasang makikita sa Straight TikTok. Saang panig ka? Magbasa ng higit pa

Paano baguhin ang background sa TikTok ?
Nailathala6 Jun 2020
Isinulat niAngelica

Paano baguhin ang background sa TikTok ?

Ang pagpapalit ng iyong background sa mga TikTok video ay isa sa mga pinakabagong mga trend. Alamin kung paano magpalit ng background sa TikTok! Magbasa ng higit pa

Paano maging Verified sa TikTok?
Nailathala3 May 2020
Isinulat niAngelica

Paano maging Verified sa TikTok?

Ang pagiging Verified o Sikat na Creator ay nangangahulugan na mayroon kang maliit na kulay asul na marka ng tsek sa iyong profile. Alamin kung paano ka magiging verified sa TikTok! Magbasa ng higit pa

Paano gamitin ang voiceover sa TikTok?
Nailathala25 Apr 2020
Isinulat niAngelica

Paano gamitin ang voiceover sa TikTok?

Ang TikTok ay may bagong voiceover na feature! Alamin kung paano ito gamitin sa iyong mga video! Magbasa ng higit pa

TikTok Money Calculator
Nailathala12 Apr 2020
Isinulat niJosh

TikTok Money Calculator

Sa pamamagitan ng aming TikTok Money Calculator malalaman mo kung magkano ang kinikita ng mga TikTok influencer. Tingnan din ang aming mga tips kung paano kikita ng mas malaking pera sa TikTok! Magbasa ng higit pa

Paano kumita ng pera sa TikTok?
Nailathala1 Mar 2020
Isinulat niJosh

Paano kumita ng pera sa TikTok?

Tingnan ang aming gabay para sa mga pinakamagandang tip kung paano kumita sa TikTok at maging TikTok influencer. Magbasa ng higit pa

Ano ang ibig sabihin ng FYP sa TikTok?
Nailathala28 Feb 2020
Isinulat niJosh

Ano ang ibig sabihin ng FYP sa TikTok?

Ano ang ibig sabihin ng #fyp na nakikita mo sa TikTok ? Matutulungan ka ba nitong mapasama sa pahina ng For You? Alamin ang sagot sa lahat ng iyong mga katanungan na may kinalaman sa hashtag na ito! Magbasa ng higit pa

Ano ang #XYZBCA?
Nailathala24 Feb 2020
Isinulat niJosh

Ano ang #XYZBCA?

Ang #xyzbca ay isang TikTok hashtag na ginagamit ng mga tao upang mapasama ang kanilang video sa pahina ng For You. Magbasa ng higit pa

Paano makikita ang TikTok Analytics?
Nailathala12 Feb 2020
Isinulat niJosh

Paano makikita ang TikTok Analytics?

Maaari mong gamitin ang Exolyt upang makita ang mga pagsusuri sa bawat profile na naka-public sa TikTok at ang kanilang mga video. Ito ay gumagana sa lahat ng profile na naka-public at kanilang mga video! At ang pinakamaganda: ito ay magagamit ng libre! Magbasa ng higit pa

Paano maging sikat sa TikTok?
Nailathala9 Feb 2020
Isinulat niJosh

Paano maging sikat sa TikTok?

Mayroong ilang trick na dapat mong tandaan kapag nais mong gumawa ng Trending Video sa TikTok, at masaya kaming ibahagi ang mga ito sa iyo! Magbasa ng higit pa

Paano alisin ang Shadow Ban sa TikTok? Ano ang Shadow Ban?
Nailathala8 Feb 2020
Isinulat niJosh

Paano alisin ang Shadow Ban sa TikTok? Ano ang Shadow Ban?

Ang Tiktok Shadow Ban ay isang pansamantalang pag-ban sa iyong account, ngunit hindi nito hinihigpitan ang pag-upload mo ng mga content. Kung ang ikaw ay naka-shadow ban, hindi mapapasama ang iyong video sa pahina ng For You. Tingnan ang aming mga tips kung paano maaalis ang shadow ban! Magbasa ng higit pa